2560 Leon Guinto Street

Singalong, Malate, Manila

Philippines

632-8567-7686

632-8559-7593

Mayor Isko sa St. Scho

September 17,2019

Kung nais mong maging mabuting lider at  maglingkod sa kapwa, dapat isabuhay ang apat na puntos sa Pamumuno at Paglilingkod – Purpose, Perseverance, Consistency at Puso.  Ito ang mensaheng iniwan ni Mayor Francico “Isko Moreno” Domagoso sa mga mag-aaral ng baitang 3-6 sa kanyang pananalita ukol sa mahusay na pamumuno at paglilingkod noong Setyembre 10, 2019 sa Bulwagang Kuniberta Strathman.

Ang pag-imbita ng isang huwarang lider upang maglahad at magbigay ng mga aral at mahahalagang puntos sa tunay na diwa ng paglilingkod at pagiging pinuno ay bahagi ng taunang gawain na  Modyul ng Proseso ng Eleksyon ng Mababang Paaralan ng Sta. Eskolastika upang ihanda ang mga mag-aaral sa pagpili ng mabuting lider . Ngayong taon, ang tema nito ay “Ako ay Benediktina: Pinunong Naglilingkod, Mabuting Tagasunod, May Pananagutan.” 

Bukod sa pagbabahagi ni “Yorme” ng mga puntos ukol sa mabuting pamumuno at pagkakaroon ng isang maarugang pamahalaan ay ang paglalahad ng mga kwento at aral tungkol sa kanyang buhay. Sinabi niya na kahit na siya ay mula sa kahirapan ay nagsikap siya para mapabuti ang kanyang buhay. Pinaalala nya sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon at hindi pagsuko sa harap ng mga hamon sa buhay. “Keep on trying at huwag mawalan ng pag-asa kung may mga problema. Laging isipin na kayo ay mapalad at maraming dapat ipagpasalamat dahil kayo ay binigyan ng inyong mga magulang ng mabuting edukasyon, sapat na pagkain at magandang buhay”, wika niya.

Isinulat ni Maria Louisa D. Joaquin