2560 Leon Guinto Street

Singalong, Malate, Manila

Philippines

632-5677686

632-5597593

Buwan ng Wika Inilunsad

September 2,2019

“Ang wika ang puso’t diwa ng isang bansa.”

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inilunsad sa Mababang Paaralan ng Sta. Eskolastika ang mga gawain para sa buwan ng Agosto. Ang tema para sa taong ito ay: “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino” na  nagmula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Sa mga susunod na araw ay magakakaroon ng mga indibidwal na patimpalak, mga programa sa iba’t-ibang baitang katulad ng Bugtungan at Awiting Bayan. Samantalang magkakaroon ng Misa ng Bayan para sa buong komunidad ng Sta. Eskolastika sa Agosto 30, 2019  bilang pagtatapos ng isang buwang pagdiriwang. Iniiimbitahan ang lahat na masayang makilahok sa mga gawain katulad nang paggayak ng kanilang kasuotang Filipino at pakikipagtagisan sa mga palaro.

by Mr. Clyde Ericson H Nolasco